Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang sentro ay naitala sa may 015 kilometro ng hilagang silangan ng Castillejos, Zambales
File
Luzon muling nilindol
Angie dela Cruz (Pang-masa) - April 25, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Muling nilindol ang Luzon kahapon ng madaling araw na may lakas na 4.5 magnitude.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang sentro ay naitala sa may 015 kilometro ng hilagang silangan ng Castillejos, Zambales

Umaabot sa 11 kilometro ang lalim ng lupa ng lindol na tectonic ang pinagmulan na kung saan ay naramdaman sa lakas na Intensity 3 sa  Olongapo City, San Ildefonso, Bulacan; Olongapo City; Guagua, Pampanga Intensity 2 sa Quezon City; Muntinlupa City; Taguig City at Intensity I sa  Talisay, Batangas; Tagaytay City; Palayan City; Quezon City; Pasig City; Gapan City; Malolos City, Bulacan; Magalang, Pampanga

Ayon naman kay Phivolcs director Renato Solidum na ang naturang lindol ay aftershocks ng naganap na 6.1 magnitude na lindol sa Luzon noong Lunes.

Sinabi ni Solidum na asahan na ang patuloy na aftershocks na mararamdaman sa nakalipas na 6.1 magnitude na lindol sa Luzon pero hindi anya ito tataas sa magnitude 5 aftershock.

LINDOL
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with