^

Police Metro

Pulis, 2 drug pusher dedo sa buy-bust

Mer Layson - Pang-masa
Pulis, 2 drug pusher dedo sa buy-bust
Nabatid na bago nangyari ang shootout dakong alas-6:20 ng gabi ay nagkasa ng buy-bust operation at nagpanggap na buyer ang isang pulis ngunit habang nagpapalitan ng items ay nakahalata ang dalawang suspek na pulis ang ka-transaksiyon.
Joven Cagande

MANILA, Philippines — Isang pulis at dalawang drug pusher ang nasawi nang mauwi sa shootout ang drug buy-bust operation sa Antipolo City, Rizal, kamakalawa ng gabi.

Ang pulis na idineklarang dead on arrival sa ospital dahil sa mga tama ng bala sa katawan ay kinilalang si Patrolman Ariel Dapyawen. Habang ang mga napatay na suspek ay nakilala sa alyas ‘Laon,’ at alyas ‘Etchay,’ kapwa residente ng Sitio Sagipin, Barangay De La Paz, Antipolo City.

Nabatid na bago nangyari ang shootout dakong alas-6:20 ng gabi ay nagkasa ng buy-bust operation at nagpanggap na buyer ang isang pulis ngunit habang nagpapalitan ng items ay nakahalata ang dalawang suspek na pulis ang ka-transaksiyon.

Kumaripas ng takbo ang mga suspek sa loob ng bahay at kumuha ng baril, saka pinutukan ang kinaroroonan ng mga pulis na kung saan ay tinamaan sina Dapyawen at P/SSgt. Monjardin na dinala sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center, ngunit nasawi ang una habang ang huli ay nasa ligtas nang kalagayan.

Napatay naman ng mga pulis sa kasagsagan ng palitan ng putok ang dalawang suspek.

vuukle comment

SHOOTOUT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with