Opisina ni Bong Go, bukas 24/7
(Pang-masa) - April 24, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Bukas ang opisina ni dating Special Assistant to the President Bong sa loob ng 24 oras para pagsilbihan ang mga mahihirap na mamamayan sa bansa.

Ito ang ipinangako ni Go, sa oras na siya ay maluklok sa Senado at hindi lamang ang paggawa ng mga batas ang kanyang aatupagin, ma­ging ang pagtulong sa mga kapus-palad ay kanyang prayoridad.

Sinabi ni Go, nasanay na siya at natuto kay Pa­ngulong Rodrigo Duterte na hinaharap niya ang mga mahihirap araw-araw mula noong alkalde pa lamang ang Pangulo.

Anya, kulang o hindi kumpleto ang kanyang araw, kapag walang lumapit na mahirap sa kanya para humingi ng tulong, tulad ng pambili ng gamot, bigas at iba pang importanteng pangangailangan.

Aniya, ang pagtulong sa kapwa ay walang pinipiling oras at lugar, basta’t may pagkakataon at mayroon namang pangtulong ay agad siyang tutugon.

Inihayag ni Go na walang saya ang kanyang nadarama kapag nakatulong sa mga ‘less fortunate’ na mamamayan.

Nanawagan din si Go sa mga kaibigan nila ng Pangulo at mga suppor­ters na medyo nakakaa­ngat sa buhay na tumulong sa mga naging biktima ng lindol.

RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with