Roxas ipinatitigil ang pag-isyu ng Chinese visa
(Pang-masa) - April 24, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dahil umano naaagawan na ng trabaho ang mga Pilipino kaya’t nanawagan si dating Senador Mar Roxas sa gobyerno na suspindihin na ang automatic visa sa mga Chinese.

“Para sa akin, yang automatic visa granting, itigil na yan dahil inaagawan ng mga dayuhang Chinese ang mga trabaho rito sa Pilipinas. Hirap na nga ang mga Pilipino na makahanap ng trabaho. Hirap na tayo na lumikha ng trabaho para sa mga Pilipino. Tapos bigla na lang papapasukin?” sabi pa ni Roxas na nag-ikot sa Catarman, Northern Samar.

Anya, halos lahat naman ng ibinigay na trabaho sa mga Chinese ay kayang gawin ng mga Pinoy kaya’t hindi makatuwiran na bigyan ng importansiya ang mga Chinese.

“Bilangin natin ilan na ba silang nakapasok dito? Saan sila nagtra-trabaho? Nagbabayad ba sila ng tamang buwis tulad ng mga Pilipino? Dapat monitored talaga,”giit pa ni Roxas habang nag-iikot sa Catarman Public Market.

MAR ROXAS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with