Transparency pangako ni QC VM Joy Belmonte
Angie dela Cruz (Pang-masa) - April 24, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang transparent government at pauusbungin  ang kultura ng accountability at openness sa lokal na pamahalaan ang paiiralin ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte kung sakaling maluklok bilang alkalde ng lungsod.

“Hindi ako naniniwala na dapat may tinatago tayo sa mga mamamayan natin.Para sa akin, dapat alam ng taumbayan lahat ng mga batas at mga pinaglalaanan ng budget ng lokal na pamahalaan sa gayon, maging maalam sila kung maayos bang napamumunuan ang ating lungsod”, wika ni Belmonte.

Inihayag pa ni Belmonte na kapag naging alkalde ay gagawin niyang accessible online ang budget ng lungsod para makita ng mga mamamayan kung gaano kalaki ang pondo para sa isang sektor at kung tunay bang nararamdaman ng sektor na iyon ang budget na inilaan para sa kanila.

Dito, anya nagsisimula ang tinatawag na good governance na kapag may ugnayan ang mamamayan at pamahalaan ay makatatanggap siya ng  feedback sa publiko na bibigyan ng agarang solusyon at sapat na serbisyo.

JOY BELMONTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with