Bong Revilla nasungkit ang suporta ng Digos City
(Pang-masa) - April 24, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nakuha ni dating Sen. Bong Revilla ang suporta ng buong Digos City nang magtungo ang campaign caravan ng Hugpong Ng Pagbabago (HNP) na dinaluhan ng may 7,000 supporters.

Si Revilla na isa pambato ng HNP na personal na inendorso ni Davao City Mayor Sarah Duterte ay naglatag ng kaniyang plataporma kung ano ang dapat niyang unahin sakaling mabalik sa Senado.

Ilan sa nabigyan ng diin ni Revilla ay ang di­senteng pasuweldo sa mga manggagawa, tea­chers, nurses at mga barangay workers.

Suportado rin ni Revilla ang pensiyon para sa mga Overseas Filipino Workers at prayoridad din na magkaroon ng eklusibong pagamutan ang mga ito dahil karamihan ay nauubos lamang ang ipon sa pagpapagamot.

Si Revilla na umakda ng may 614 panukalang batas at 223 sa mga ito ay umiiral ng batas ay nangakong dodoblehin pa niya ang pagsisikap sakaling muling mabigyan ng pagkakataong mabalik sa Senado.

BONG REVILLA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with