NPA attack: 6 sundalo todas, 6 sugatan
Joy Cantos (Pang-masa) - April 24, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinasabugan ng bomba at pinaulanan ng bala ng nasa 20 rebeldeng New People’s Army (NPA) ang tropa ng pamahalaan na ikinasawi ng anim na sundalo at pagkasugat ng anim na iba sa naganap na engkuwentro kahapon ng madaling araw sa liblib na bahagi ng Brgy. Buluan, Calbiga , Samar.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Corporal Junurimban Manalo Jr.; Corporal Edgar Abing; Pfc Arthur Garcia; Pfc Rufino Paster Jr.; Private Danilo Constantino Jr.; at Private Elben Lagrimas.

Isinugod sa pagamutan sina Sgt. Gilbert Benito Jr.; Corporal Reymart Vigilia; Pfc Darwin Magoncia; Pfc Mark Kevin Frigillana; Pfc Joseph Salonga; at Pfc Rex Español.

Sa ulat, bago nangyari ang engkuwentro bandang alas-2:45 ng mada­ling araw ay kasalukuyang nagsasagawa ng combat patrol ang Army’s 46th Infantry Battalion (IB) sa pamumuno ni Sgt. Gilbert Benito sa nabanggit na barangay nang pasabugan ng Improvised Explosive Device (IED) ng mga rebeldeng komunista na agad ikinasawi ng anim na sundalo.

 Mabilis na gumanti ng putok ang tropa ng mga sundalo na nauwi sa bakbakan sa pagitan ng magkabilang panig na tumagal ng apat na oras hanggang sa magsiatras ang mga rebelde patungo sa hilagang kanlurang direksyon sa magubat na bahagi ng lugar bitbit ang mga nasugatan sa kanilang panig.

NEW PEOPLE’S ARMY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with