Magna Carta for OFWs palakasin -- Koko
(Pang-masa) - April 23, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Idiniin ni Senador­ Aquilino “Koko” Pimentel­ III ang pangangaila­ngang kaagad repasuhin at re­bisahin ang Republic Act 8042 o ang Migrant Workers and Overseas Fi­lipinos Act of 1995 sa layuning matugunan ang lumalalang kaso ng pang-aabuso sa mga OFW.

“The Magna Carta for OFWs is still a good law but we may need to strengthen it to cover and penalize incidents of abuse of our Pinoy workers­ by employers and agencies abroad, and by Philippine-based recruitment agencies,” ani Pimentel.

Reaksiyon ito ni Pimentel sa ulat ng isang 22-anyos babaeng OFW na nasa pangangalaga ng Bahay Kalinga sa Jeddah, Saudi Arabia ang ginahasa at inabuso ng kinatawan ng local recruitment agency nitong Disyembre 2018.

“Two things can be made to the existing Magna Carta. First, let’s expand coverage of violations and increase penalties, then we study the possibillity of increasing fund assistance allocations,” ani Pimentel­ sabay paglilinaw na sa ila­lim ng RA 8042 ay may nakalaang Legal Assistance Fund na P100 milyon.

Idinagdag pa ni Pimentel na ang paglikha ng Department of Overseas Filipino Workers (DOFW) ay isa sa mga pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kampanyahan noong 2016.

AQUILINO PIMENTEL­ III
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with