MVP pinangunahan ang pagpapasinaya ng ikalawang water treatment plant sa Muntinlupa
Angie dela Cruz (Pang-masa) - April 23, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinangunahan ni Maynilad Chairman Manuel V. Pangilinan ang pagpa­pasinaya ng Maynilad sa ikalawang water treatment plant sa Barangay Putatan, Muntinlupa City.

Ang  Putatan Water Treatment Plant 2 (PWTP 2) ay magte-treat ng tubig mula sa Laguna Lake na bahagi ng water security program ng kumpanya para magkaroon ng iba pang pagkukunan ng suplay ng tubig bukod sa Angat dam.

Sinabi ni Cairman Pangilinan na ang PWTP 2 ay patunay lamang na tinu­tupad ng Maynilad ang commitment na mabigyan ng mahusay na serbisyo ang mga kustomer.

Bukod sa PWTP 1 at 2, plano rin ng Maynilad na magtayo pa ng dagdag na mga pasilidad sa lugar para ma­kakuha ng raw water mula sa Laguna Lake.

 Ang malilinis na tubig ng Maynilad mula sa lawa ay dagdag na suplay na ipagkakaloob sa milyong water customers nito sa Metro Manila.

Bukod kay Pangilinan, dumalo sa inagurasyon sina Laguna Lake Deve­lopment Authority assistant general manager Generoso Dungo, QC Rep. Winston Castelo, Rep. Rufino Biazon ng Muntinlupa, MMDA Deputy Chief of Staff Michael Salalima, Maynilad President at CEO Ramoncito S. Fernandez, MWSS administrator Reynaldo Velasco, MPIC President at Maynilad board director Jose Ma. K. Lim, DENR Undersecretary Jonas Leones, Spanish Ambassador to the Philippines Jorge Moragas Sánchez, National Security Council Deputy Director General Vicente M. Agdamag, Muntinlupa Mayor Jaime Fresnedi, at Rep. Bayani Fernando ng Marikina City.

MANUEL V. PANGILINAN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with