55 katao nasawi sa summer vacation
Joy Cantos (Pang-masa) - April 23, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Umabot na sa 55 ka­tao ang nasawi na karamihan ay pagkalunod ngayong buwan ng summer vacation (Sumvac).

Ito ang inihayag ni Philippine National Po­lice (PNP) Chief P/Di­rector General Oscar Albayalde na lubhang an­yang nakakaalarma ang pagtaas ng bilang ng mga nasawi lalo na sa pagka­lunod.

Sa 55 kataong nasawi, ang 45 sa pagkalunod, 8 sa vehicular accident, isa sa pamamaril at isa naman ang nakuryente na naitala simula Abril 5-21 ng taong ito.

Kabilang naman sa mga pinakahuli sa mga naitalang nasawi ay ang pagkalunod ng isang 16 anyos na estudyante  na si Jhun Marvin Hizola, sa Matangkob River, Brgy. Poblacion, Magsaysay Occidental Mindoro kamakalawa dakong ala-1:40 ng hapon.

Patuloy naman ang paalala ng PNP sa mama­mayan na isagawa ang ka­ukulang pag-iingat at manatiling vigilante nga­yong panahon ng bakasyon upang makaiwas sa kapa­hamakan.

PAGKALUNOD
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with