Ang mga naarestong suspek ay kinilalang sina Paolalphiny Octavio, 20, estudyante, kumukuha ng kursong Bachelor of Arts and Communications­ sa Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa; Jaden Residuo at John Loyd Ro­jales, 21; pawang mga re­sidente ng Muntinlupa City.
File
3 pusher timbog sa P2.4-M marijuana
Joy Cantos (Pang-masa) - April 23, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Naaresto ng mga otoridad ang tatlong drug pu­sher kabilang ang isang estudyante nang masamsam sa kanila ang P2.4 milyon halaga ng marijuana sa isang checkpoint, kama­kalawa sa Bontoc-Kalinga Road, Sitio Cheta, Bontoc III, Mountain Pro­vince.

Ang mga naarestong suspek ay kinilalang sina Paolalphiny Octavio, 20, estudyante, kumukuha ng kursong Bachelor of Arts and Communications­ sa Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa; Jaden Residuo at John Loyd Ro­jales, 21; pawang mga re­sidente ng Muntinlupa City.

Bago nadakip ang mga suspek ay nakatanggap ng impormasyon ang pulisya mula sa isang concerned citizen ang pag­bibiyahe ng tatlong suspek ng nasabing droga sakay ng pampa­saherong jeep na may rutang Tinglayan-Bontoc sa lalawigan kaya nag­latag ng checkpoint ang Bontoc Municipal Police Station (MPS) operatives at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Nakumpiska mula sa mga suspek ang 18 pi­raso ng marijuana bricks, apat na piraso ng tubular marijuana na tumi­timbang ng 20,004 kilo na nagkakahalaga ng P2.4M, drug paraphernalia, sari-saring mga IDs at tatlongcellular phone.

MARIJUANA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with