Ito ang inihayag ni PNP Chief Police General Oscar Albayalde bilang pag-iingat upang maiwasang mangyari ang ganito katinding sabay-sabay na pambobomba sa Pilipinas.
Boy Santos/File
PNP: Intelligence monitoring palalakasin pa vs terorista
Joy Cantos (Pang-masa) - April 23, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kasunod nang madugong serye ng pambobomba sa mga simbahan at hotel sa Sri Lanka noong Easter Sunday na ikinasawi ng 200 katao at pagkasugat ng 500 iba pa ay lalong paiigtingin ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang intelligence monitoring.

Ito ang inihayag ni PNP Chief Police General Oscar Albayalde bilang pag-iingat upang maiwasang mangyari ang ganito katinding sabay-sabay na pambobomba sa Pilipinas.

Sa kabila nito, nilinaw naman ng PNP Chief na walang namo-monitor na anumang banta ng ‘terror attack’ sa Pilipinas.

Magugunita na magkakasabay na pagpapasabog ang naganap sa limang hotel at 3 simbahan sa nasabing bansa noong Easter Sunday na pinaghihinalaang kagagawan ng internasyonal na teroristang grupo kabilang na ang Islamic State of Iraq and Syria (ISIS).

Mariing kinondena ng PNP Chief ang insidente at ipinaabot ang buong pusong pakikiramay sa mga bik­tima ng terror attack sa nasabing bansa.

PHILIPPINE NATIONAL POLICE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with