Governor at partylist pinadidiskuwalipika sa Comelec
MANILA, Philippines — Nagsampa ng kasong diskuwalipikasyon at pagkansela ng accreditation bilang party-list si PDP-Laban Visayas Vice President at dating Eastern Samar Governor Lutgardo Barbo laban kay incumbent Eastern Samar Rep. at Eastern Samar gubernatorial candidate Ben Evardone at An Waray partylist dahil sa umanoy paglabag sa Omnibus Election Code (OEC).
Sa sampung pahinang petisyon na isinampa sa Commission on Elections (Comelec) sa Intramuros, Maynila, inakusahan si Evardone at An Waray partylist na lumabag sa election-related offenses sa panahon ng graduation ng senior high school sa Eastern Samar State University (ESSU)-Guiuan campus noong Abril 2.
Nabatid na namahagi umano ng mga puting sobre, na may nakalagay na pangalang Evardone at An Waray party-list na naglalaman ng P200 sa mga estudyante pagkatapos ng graduation rites ay paglabag sa Section 104 at 261 (a) ng Omnibus Election Code.
- Latest