^

Police Metro

Roxas, pokus pa rin kahit binabanatan

Pang-masa

MANILA, Philippines — “Sa kabila ng mga banat ng Pangulo sa isyung sa tingin ko ay nasagot ko na, mananatili akong matatag at haharap sa bayan. Gagawin ko ang alam kong tama, hindi ako masisiraan ng diskarte dahil ang mamamayan ang sentro ng aking laban”.

Ito ang sinabi ni Mar Roxas sa pagsusulong ng mga programang mag-aangat ng kabuhayan ng mga mamamayan sa pamamagitan ng mga panukalang batas na isusulong niya sa pagbabalik sa senado.

Si Roxas na ibinotong number one at nakakuha ng highest votes sa kasaysayan ng senado noong 2004, ay nangakong hindi masisiraan ng loob sa mga ipinaglalaban niyang katatagan ng kabuhayan ng bawat mamamayan.

Si Roxas na isang batikang ekonomista ay kinikilala bilang father of call centers dahil sa panahon niya bilang Trade and Industry secretary nagsimula ang mga busines process outsourcing o BPO.

Halos dalawang milyong Pilipino ang nagkatrabaho dahil sa BPO at naging number one pa ang bansa sa industriyang ito dahil sa kagalingang makapagsalita ng Ingles ng mga mamamayan dito.

vuukle comment

MAR ROXAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with