Kelot timbog sa rape at armas
Lordeth B. Bonilla (Pang-masa) - April 21, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Arestado ang isang amain dahil sa panggagahasa sa stepdaughter nitong 10-anyos at nakumpiskahan din ito ng mga baril at bala, kamakalawa sa Pasay City.

Himas-rehas na ngayon sa Pasay City Police detention facility ang suspek na si Rowel Santiago, nasa hustong gulang, residente ng #53 Baes Rd., San Gregorio Compound, Brgy. 188, Zune 20 ng naturang lungsod.

Batay sa ulat, ala-1:00 kamakalawa ng hapon nang madakip si Santiago sa nabanggit na lugar, dahil sa kasong rape bunsod ng reklamo ng isang ginang na kinakasama ng suspek, na hindi pinangalanan, dahil sa ginawang panggagahasa umano nito sa kanyang 10-anyos na anak na babae.

Nabatid na ilang beses umanong ginahasa ng suspek ang biktima noong Abril 14 at 18 at hindi kaagad nakapagsumbong sa mga otoridad dahil pinagbabantaan silang mag-ina na papatayin nito.

Nakumpiska naman ng mga pulis mula sa suspek ang isang kalibre .38 baril, isang caliber 5.56 M-16 armalite rifle, isang caliber 5.5/22 airgun, mga gun paraphernalia at maraming mga bala.

RAPE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with