4 stude tiklo sa buy-bust
Joy Cantos (Pang-masa) - April 21, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sa kulungan ang bagsak ng apat ng estudyante makaraang masakote ng mga pulis sa isinagawang buy-bust operation sa isang apartelle sa Quezon City nitong Biyernes Santo ng gabi.

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina James Almaro, 19; Joshua dela Cruz, 19; at ang dalawang 21-anyos na sina Zachary Benedict Almotado at Christian Miko.

Sa ulat ni Police Lt. Col. Giovanni Calliao, Commander ng Cubao Police Station ng Quezon City Police District (QCPD), tumanggi itong tukuyin ang mga eskuwelahang pinapasukan ng mga pasaway na estudyante.

Dakong alas-7:00 ng gabi nang ikasa ang operation laban sa mga suspek matapos sumailalim sa masusing surveillance operation nang makatanggap ng tip ang pulisya hinggil sa ilegal na gawain ng mga suspek.

Ang mga suspek ay inaresto sa aktong ini­aabot ang 2 gramo ng shabu sa poseur buyer ng mga awtoridad sa loob ng Room 17, Jeepneyline Apartelle  sa Yale ST., Brgy. E. Rodriguez , Cubao ng lungsod na ito.

Nakumpiska rin mula sa apat ang mga drug paraphernalias na gamit ng mga ito sa pot session.

BUY-BUST
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with