7 miyembro ng pamilya, tostado sa sunog
(Pang-masa) - April 21, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pitong miyembro ng isang pamilya kabilang ang isang anim na buwang sanggol ang nasawi matapos malitson makaraang ma-trap sa nasusunog nilang bahay sa Purok 9-B, Adecor Compound, Brgy. Poblacion, Maco, Compostela Valley Province, nitong Huwebes Santo.

Kinilala ang mga nasawi na sina Ian Bilucora, 22; Rico Villacora, 18; Merjan Cline Ardon, 20; Carmen Bilucora, 56; at Karen Busalla, 27, at isang 6 na buwang sanggol na hindi pinangalanan.

Patuloy namang hinahanap ang bangkay ng isa pang miyembro ng pamilya na kinilalang si Jane Ryle Aporado, 12 taong gulang

Ayon kay Fire Chief Inspector Randolf Arbutante ang provincial director ng Bureau of Fire Protection sa Compostela, na mabilis umanong kumalat ang apoy dahil pawang gawa sa light materials ang bahay.

Nangyari ang sunog pasado alas-3:00 ng madaling araw kung saan nagawa pa umanong humingi ng saklolo ng mga biktima pero na-trap ang mga ito sa ikalawang palapag ng kanilang bahay na puro may grills ang mga bintana.

Ayon sa mga otoridad natagpuan ang mga bangkay na nagkumpulan sa isang bahagi ng bahay.

SUNOG
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with