BIFF kumander, aide utas sa raid
Joy Cantos (Pang-masa) - April 21, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tumimbuwang ang isang kumander ng BIFF (Bangsamoro Islamic Freedom Fighters) at isa sa mga aide nito matapos na maka-engkuwentro ang mga pulis at militar sa isinagawang raid sa safehouse nito sa Midsayap, Cotabato nitong Sabado ng umaga.

Sa ulat, kinilala ang napaslang na BIFF commander na si Mando Mamalumpong, 50-anyos, 2nd Division Comman­der ng BIFF at Spokesman ng BIFF Carialan faction.

Patay din ang isa sa mga aide nito na nakilala namang si Nor Hamin Sabdulla, 19-anyos.

Bandang alas-5:10 ng umaga nang isagawa ng pinagsanib na ele­mento ng Midsayap Police at 34th Infantry Battalion (IB) ng Philippine Army ang raid sa safehouse ni Ma­malumpong sa Sitio Macantal, Brgy. Olandang ng bayang ito.

Ang mga operatiba ay may bitbit na warrant of arrest nang salakayin ang safehouse ni Ma­malumpong pero nanlaban ito nang paputukan ang mga operatiba na nauwi sa bakbakan.

Ang grupo ni Ma­malumpong ay sangkot sa serye ng karahasan sa Central Mindanao tulad ng pambobomba, pangongotong at pangha-harass ng mga sibilyan.

Narekober sa pinangyarihan ng encounter ang isang M-16 rifle, isang M-14 rifle at sari-saring uri ng mga bala ng mahahaba at malalakas na kalibre ng armas.

BIFF
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with