Sa report ng Police Regional Office (PRO) 11, sinabi ni PNP Spokesman Police Colonel Bernard Banac, nangyari ang pagsabog dakong alas -11:30 ng tanghali sa compound ng Camp Domingo Leonor, Davao City Police Office na matatagpuan sa kahabaan ng San Pedro St. sa nasabing lungsod.
File
Bomba sumabog sa police station
Joy Cantos, Rhoderick Beñez (Pang-masa) - April 21, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nabalot ng sindak ang isang himpilan ng pulisya nang sumabog ang narekober na bomba sa Camp Domingo Leonor sa Davao City nitong Sabado de Gloria.

Sa report ng Police Regional Office (PRO) 11, sinabi ni PNP Spokesman Police Colonel Bernard Banac, nangyari ang pagsabog dakong alas -11:30 ng tanghali sa compound ng Camp Domingo Leonor, Davao City Police Office na matatagpuan sa kahabaan ng San Pedro St. sa nasabing lungsod.

Ayon kay Banac, base sa imbestigasyon ang bomba ay nakalagay sa stockroom ng Explosives and Ordnance Disposal (EOD) ng Davao City Police Office (DCPO).

Sa lakas na pagsabog ay umabot ang lakas nito sa barracks ng SATU (Special Anti-Terrorism Unit) .

Ang insidente ay ikinawasak din ng kisame ng dormitoryo sa kabila ng nasabing kampo.

Samantalang lumikha rin ng sunog ang nangya­ring pagsabog kung saan mabilis na nagresponde ang mga Davao City Bureau of Fire Protection at Central 911 gamit ang kanilang mga firetrucks at agad na naapula ang apoy.

Inihayag ng opisyal na mabuti na lamang na walang nasugatan at nasawi sa insidente.

BOMBA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with