Duterte, saludo sa integridad ni Koko Pimentel
(Pang-masa) - April 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Aminado si Pangulong Rodrigo Duterte na pumasa man siya sa Bar examinations ay mababa ang kanyang marka at malayo sa sinusuportahan niya ang kandidaturang si reelectionist na PDP-Laban President Aquilino “Koko” Pimentel III.

“Bar topnotcher. E ako 75 lang e. Siya, Bar topnotcher, Senate President, lahat na. Tawag ko sa kanya, Mr. Integrity. Hindi mo siya maaano ng pera,” sabi ni Duterte sa rally ng PDP-Laban kamakalawa ng gabi sa Tuguegarao City, Cagayan.

“Koko Pimentel, Bar topnotcher, Mr. Public Service at may prinsiyo na tao. ‘Yan lang, saludo na ako,” sabi ng Pangulo sa paglalarawan kay Pimentel.

Hinggil sa PDP-Laban, idiniin ni Duterte: “Talking back kay Pimentel, ako pag wala kang prinsipyo, wala ka talaga sa akin.Ako, sabi ko sa inyo, when I won the mayorship in 1988, sinabi ko sa mga tao, the party that I am with now will be my party when I make my exit. Isa lang ako. All those years, isa lang ako.”

Nauna rito, sa PDP-Laban rally sa San Jose del Monte City sa Bulacan na dinaluhan ng mahigit 30,000 tagasuporta, ipinagmalaki ni Duterte sa kanyang pag-endorso kay Pimentel ang mga katangian nito.

 “I am honored and grateful for the endorsement of the President. His support for PDP-Laban’s candidates is a tremendous boost in what is going to be a very competitive senatorial race,” ani Pimentel.

RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with