33 kababaihan na ibinubugaw sa Boracay, nasagip
Joy Cantos (Pang-masa) - April 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Umaabot sa tatlum-pu’t tatlong kababaihan na ibinubugaw partikular na sa mga dayuhang turista sa Boracay Island, Malay, Aklan  ang nasagip sa isinagawang serye ng operas­yon kamakalawa.

Anim na bugaw ang naaresto na kinilalang sina Richard Sauza, 42; Kevin Martin , 26; Mark Vincent Faulan, 23; Fernando Fajardo,42;Rebecca Caingle, 56  at Karen Belonio; pawang residente ng Brgy. Manoc-Manoc, Boracay Island, Malay ng lalawigan.

Sa imbestigasyon na ang nasabing mga kababaihan na ginagawang prostitutes ay nasagip sa serye ng operasyon ng mga operatiba ng Malay Police Station (MPS) sa pamumuno ni Captain Jose Mark Anthony Gesulga; 2nd Aklan  Police Mobile Force Company (PMFC) sa pamumuno ni Police Col . Ryan Manongdo at Aklan Port –Base Anti-Human Trafficking Unit.

Nabatid na nakatanggap ng ulat ang pulis­ya hinggil sa exploitation sa mga biktima bilang mga prostitute sa dalawang inuupahang establisyemento at dating KTV Bar na matatagpuan sa Brgy. Manoc-Manoc, Malay ng lalawigan.

Isinailalim na sa kustodya ng Municipal Social Welfare Development Office (MSDO)  sa Malay Aklan  ang mga biktima habang ang mga nasakoteng bugaw ay nakakulong na.

BORACAY KABABAIHAN NA IBINUBUGAW
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with