P5.7-M cocaine nalambat sa dagat ng Batanes
April 18, 2019 | 12:00am
MANILA, Philippines — Umaabot sa P5.7 milyong halaga ng cocaine na nakalagay sa Chinese green tea package na palutang-lutang sa dagat ang nalambat ng isang mangingisda kamakalawa sa karagatan ng Basco, Batanes.
Sa ulat, dakong alas-3:20 ng hapon nang malambat ng mangingisdang si Roger Gabotero ang nasabing cocaine na may timbang na isang kilo malapit sa Naidi Light House at isinuko sa pulisya.
Naglunsad ng search party ang kapulisan sa lugar upang mahanap pa ang iba pang kasamahan ng narekober na droga.
BrandSpace Articles
<
>
Philstar
x
- Latest
Latest
Latest
Recommended