Ayon pa sa Pangulo na bubuo siya ng bagong 5-man panel na ang composition ay 2 sibilyan at 3 military upang makipag-usap sa mga rebeldeng komunista.
UPB Facebook
Rody kay Joma: Umuwi ka sagot kita!
Rudy Andal (Pang-masa) - April 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — “Umuwi ka dito, Sison. Ako ang bahala sa iyo. Hindi ako traydor na tao. I give you my honor—word of honor. Mag-usap tayo”.

Ito ang muling paghamon ni Pangulong Rodrigo Duterte kay CPP founding chairman Jose Maria Sison na umuwi ng bansa kung seryoso itong ituloy ang peace talks.

Ayon pa sa Pangulo na bubuo siya ng bagong 5-man panel na ang composition ay 2 sibilyan at 3 military upang makipag-usap sa mga rebeldeng komunista.

“Kayong mga NPA, kung gusto talaga ninyo ng usapang matino, immediate ceasefire, walang magdala ng armas sa kampo ninyo o sa labas. Walang taxation. Walang pangsunog,” dagdag pa ni Duterte sa speech nito sa PDP-Laban campaign rally sa Tuguegarao City.

Magugunita na tinapos na noon ni Duterte ang peace talks sa NPA dahil sa patuloy na karahasan nito kahit nakikipag-usap sa gobyerno at mas nais na localized peace talks kesa kausapin ang grupo ni Joma.

JOSE MARIA SISON RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with