^

Police Metro

P2-M droga nasamsam sa NAIA

Lordeth Bonilla, Butch Quejada - Pang-masa
P2-M droga nasamsam sa NAIA
Unang nasamsam ang envelop mula Bahrain na naglalaman ng 0.27 kilo gramo na shabu na nakapangalan sa isang Abraham Salas Jr., ng Bulacan.
File

MANILA, Philippines — Umaabot sa P2 mil­yon halaga ng iba’t ibang klase ng mga illegal drugs ang nakumpiska ng NAIA customs sa magkakahiwalay na mga pakete sa isang bodega ilang metro ang layo sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Unang nasamsam ang envelop mula Bahrain na naglalaman ng 0.27 kilo gramo na shabu na nakapangalan sa isang Abraham Salas Jr., ng Bulacan.

Nakumpiska rin ang may .54 kg na ecstacy na nagkakahalaga naman ng P1.7 milyon na nakalagay sa isang printer machine at nakapangalan sa isang alyas Christian Chan, ng San Juan Metro Manila.

May dalawang shipment naman na marijuana na may tatak na ‘hemp gummy’ candies dried leaves ay idineklarang pancake mix at lotion na galing ng America na nakapangalan sa isang Steven Marple ng Antique at Betty Lu, ng Cagayan de Oro City.

Ang 0.135 kilo grams naman na cocaine ay nahuli rin na idineklara naman laruan galing US, na nakapangalan sa isang alyas Jose Maristela ng Makati City.

Ang mga naturang ilegal na droga ay nasabat ng mga tauhan matapos itong pagdudahan ang mga shipments.

vuukle comment

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with