_pang-masa
^

Police Metro

Kampanya ng local candidates simula ngayon

Doris Franche-Borja - Pang-masa
Kampanya ng local candidates simula ngayon
Ito naman ang sinabi ng Commission on Elections (Comelec) kasabay ng pahayag na nakahanda silang bantayan ang mga lokal na kandidato lalo na pagdating sa mga paglabag sa campaign rules.
File

MANILA, Philippines — Ngayong araw ang simula ng kampanya ng mga local candidates tulad ng sa pagka-gobernador, kongresista, mayor, vice mayor hanggang sa konsehal ng mga munisipalidad at siyudad.

Ito naman ang sinabi ng Commission on Elections (Comelec) kasabay ng pahayag na nakahanda silang bantayan ang mga lokal na kandidato lalo na pagdating sa mga paglabag sa campaign rules.

Nanawagan ang Comelec sa mga local candidates na linisin ang kanilang kalat pagkatapos ng campaign sorties na magsisimula ngayon.

Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, hindi kawalan sa mga kandidato kung lilinisin nila ang mga pinagdausan ng campaign sorties kung saan inaasahan ang bote ng tubig, lunch box, mga supot, at plastic mula sa mga supporters.

Dapat, anya na ma­ging responsable ang mga kandidato sa pamamagitan ng pagpaplano ng kanilang political rally sa kani-kanilang komunidad lalo na ang mga nagra-rally ng umaga.

Sa motorcade, dapat na maging maingat ang mga kandidato dahil may mga lugar na two lane lamang at masisikip.

Inanunsyo rin ng Comelec na hindi na magiging kabahagi ng gaganaping midterm elections ang Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM). Kasunod ito ng binuong Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na naging resulta ng isi­nagawang plebisito.

Nagpaalala naman ang Comelec sa mga botante na pag-aralan mabuti ang mga kandidato at isi­ping mabuti kung sino ang karapat-dapat na iboto sa dara­ting na eleksyon.

CAMPAIGN LOKAL ELEKSYON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with