^

Police Metro

Arci at JM naungkat ang pagiging magkaklase

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Arci at JM naungkat ang pagiging magkaklase

Hindi alam ng marami na dahil schoolmates sa University of the Philippines (Diliman) sina Arci Muñoz at JM de Guzman pero sila’y muling pinagtagpo ng showbiz at nagkataon na pareho silang talents ng ABS-CBN kung saan may dalawa silang magkahiwalay na proyekto, isang pelikula at isang bagong teleserye.

Sina Arci at JM ay dating nagkakasama sa theater class in U.P. kaya noon pa lamang ay magkaibigan na sila kaya ganoon na lamang ang kanilang excitement nang kanilang malaman na magsasama sila sa isang TV series at pelikula.

Romantic-comedy ang tema pelikulang Last Fool Show na dinirek ni Eduardo Roy, Jr. under Star Cinema na nakatakdang ipalabas sa darating na April 10.

Ang bagong teleserye naman na kanilang pinagsasamahan ay ang Project Kapalaran kung saan din tampok sina Sylvia Sanchez, Joey Marquez, Maris Racal, ang dating Kapuso actor na si Kiko Estrada at iba pa.

Cristine nanggulat sa action!

Naging matagumpay ang red carpet premiere ng first action movie ng actress na si Cristine Reyes, ang Maria na ginanap sa Trinoma cinema nung nakaraang Lunes ng gabi. Bukod kay Cristine, dumalo rin sa nasabing premiere ang big boss ng Viva na si Boss Vic del Rosario, ang director ng pelikula na si Pedring Lopez at ang ibang bumubuo ng cast tulad nina Freddie Webb, Ronnie Lazaro, Ivan Padilla, Guji Lorenzana, Ronnie Liang, Grace Lee, LA Santos at iba pa.

Although may pagka-gory dahil sa patayan, malaking revelation ang acting at ang mga action and fight stunts na ipinakita ni Cristine sa pelikula at puwede siyang taguriang ‘action princess’.

Nakatulong nang malaki kay Cristine ang kanyang mixed martial arts training para ma-execute niya nang tama ang mga fight and action scenes na kinailangan.

Kakaibang Cristine Reyes ang mapapanood sa Maria na magbubukas sa mga sinehan simula sa araw na ito ng Miyerkules, March 27.

Vice takot kay Charo!

Sa unang pagkakataon ay naging special guest ni Vice Ganda sa kanyang Sunday late night show na Gandang Gabi Vice ang dating President-CEO ng ABS-CBN at ngayon ay Content Officer ng nasabing network nung nakaraang linggo ng u­maga. Kilala si Vice sa kanyang ‘pambabalahura’ sa kanyang guests but this time ay tila takot si Vice na ‘paglaruan’ ang kanyang lady boss. At times, ang akala ni Vice ay seryoso si Charo Santos-Concio sa kanyang sinasabi but in fairness, naging game din ang TV executive sa mga paandar ng  singer at top comedian-TV host. Hindi na kasi si Vice ‘yon kapag masyado siyang naging maingat sa pagtatanong sa kanyang guest dahil nawawala ang kanyang natural wit.

Nag-trending ang unang guesting ni Charo sa Gandang Gabi Vice na may kinalaman sa kanilang movie ni Bea Alonzo, ang Eerie na dinirek ni Mikhail Red.

vuukle comment

ARCI MUñOZ

JM DE GUZMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with