^

Police Metro

Sophie hindi na nagpapasintabi sa BF na si Vin sa mga sexy role

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Sophie hindi na nagpapasintabi sa BF na si Vin sa mga sexy role

Wala naman palang problema kay Sophie Albert kung after ng Pamilya Roces na nagpatawa at nagpa-sexy siya, ngayon naman sa Bihag ay seryoso siya pero magpapa-sexy pa rin. Sa mga ganito bang role, nagpapaalam muna siya sa boyfriend na si Vin Abrenica na boyfriend na niya for six years?

“Hindi po, pareho kaming artista at alam naming bahagi ito ng mga role na ibinibigay sa amin. Kung may ganito naman akong eksena, meron din naman siya,” biro pa ni Sophie. “No, nagkakaintidihan po kami ni Vin kaya wala po kaming problema. Mabuti nga po na magkahiwalay kami ng network, nagagamit namin ito para mag-compare ng working situation namin.”

Challenged si Sophie as Reign, na mistress ni Brylle (Jason Abalos) sa story.

“Iyon pong role ko sa Pamilya Roces, okey lamang sa akin dahil nga nagpapatawa ako, pero mas mahirap po palang magpa-sexy na seryoso. Masaya po ako na binibigyan ako ng GMA ng iba-ibang role. Bale ito po ang second project ko sa kanila after akong nag-transfer dito.  Pero kapag wala po akong work, lagi naman nila akong pinaggi-guest sa iba’t ibang shows ng network, naiikot ko ang ibang shows, kaya hindi rin po ako nahihinto sa pag-arte. Pero gusto ko pong mahasa sa pagiging kontrabida.”

Si Sophie ang pumalit kay Kim Domingo sa role niya bilang si Reign. Hindi ba siya nag-isip na second choice lamang siya sa role?

“Hindi po, kahit pang-huling choice po ako, mas mahalaga po sa akin na may trabaho. Sayang po ang opportunity na matuto ng iba’t ibang role na gagampanan.”

Ang Bihag ay dinidirek ni Neal del Rosario at pilot episode na nila sa Monday, April 1, sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Inagaw Na Bituin.

Kara Mia hiwalay na

Naloka ang mga sumusubaybay sa Kara Mia nang mapaghiwalay ang magkapatid na Kara (Barbie Forteza) at Mia (Mika dela Cruz). Nawala na ulo ni Mia na nasa likod ni Kara. Pero lalong nagulat ang netizens na kapag umaga ay magkakabit muli ang magkapatid. Paano kaya ito ii-explain?

“Medyo nagugulat din po kami ni Mia sa takbo ng story,” sabi ni Barbie. “Pero masaya rin kami na magkahiwalay na kami. Huwag po kayong bibitiw sa amin gabi-gabi after ng 24 Oras.”

Jasmine tapos nang maging nanay ni Bianca

Mami-miss naman ng netizens si Jasmine Curtis Smith ngayong dalaga na si Sahaya (Bianca Umali) dahil si Mylene Dizon na ang gaganap na nanay ni Sahaya na si Manisan. Thankful si Jasmine na siya ang napiling gumanap na young Manisan dahil habang naghahanda siya sa role niya, marami siyang nagawa at natutunan tungkol sa culture ng mga Badjaw dahil sa Sahaya.

Thankful din ang Sahaya dahil sa gabi-gabing pagtaas ng ratings nila.

vuukle comment

SOPHIE ALBERT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with