^

Police Metro

Baron nakikitira ng libre at pinadadalhan ng pagkain ng hindi kakilala

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Baron nakikitira ng libre at pinadadalhan ng pagkain ng hindi kakilala

Si Baron Geisler habang naglalakad sa may kahabaan ng Tomas Morato, Quezon City noong Monday afternoon.

Aba, bumalik na naman pala siya sa Metro Manila at hindi na naman based sa Cebu?

“Habang may shooting lang,” sabi niya nang maka-chat ko at kaya ko raw siya nakikitang naglalakad ay dahil papunta siya sa bank.

Nag-i-stay raw muna siya sa isang condominium na malapit sa lugar na ‘yon.

“Diyan ka na nakatira?” tanong ko na sinagot niya ng, “No, may nagpahiram lang. Bait ni God!”

Sweet nga raw ng taong nagpatira sa kanya roon.

Maya-maya ay nag-message uli sa akin si Baron at sinabing may nagpadala raw ng food sa kanya sa condominium unit na tinutuluyan.

“May nagpadala ng food dito, hindi ko alam kung kanino galing,” sey pa niya.

Siguro wala naman siyang tinext at sinabihan ng, “Punta ka rito sa condo, dala ka foods.”

Sounds familiar? Hahaha!

Lorin inoperahan!

Dahil sa pananakit ng tiyan, isinugod sa isang hospital noong Monday ang panganay ni Ruffa Gutierrez na si Lorin.

Si Annabelle Rama ang nagkuwento ng tungkol sa paghkaka-hospital ng kanyang first apo.

Ang duda noong una ni Bisaya, baka ulcer ang problema ni Lorin dahil halos hindi raw kumakain.

Ang hina raw kumain ni Lorin at piling-pili pa.

“Si Venice, walang problema, malakas kumain,” sabi pa ni Bisaya.

Pero kaya pala sumasakit ang tiyan dahil sa appendicitis.“Sana hindi naman malala at hindi kailangan operahan,” sabi ni Bisaya.

Hindi na ako nakasama sa kanya sa hospital at si Ruffa na lang ang nagkuwento na inoperahan pala kahapon ng 2:00AM si Lorin.

Nagpapagaling na nga raw ang dalagita. Update pa sa akin kahapon ni Ruffa, ngayon daw ang labas ni Lorin sa hospital.

“Thank you for all the prayers!” sabi ng nanay ni Lorin.

Siyempre, sobrang nataranta si Ruffa sa medical emergency ng panganay na anak. Mahirap nga raw talagang maging single working mom.

Mabuti na lang at palaging nakasuporta sina Eddie Gutierrez at Bisaya sa kanya.

Ipapalit sa My Special Tatay may ibubuga!

Alam mo, Ateng Salve, habang naghihintay kami sa presscon ng Bihag ng GMA-7, nakapag-dialogue ako na parang boring ang bagong afternoon series nila na papalit sa time slot ng My Special Tatay na magtatapos na sa Friday.

Feeling ko, hindi magiging successful ang bagong series na ‘yon.

Pero nang ipinapalabas na ang trailer ng Bihag na pinagbibidahan nina Max Collins, Jason Abalos, Sophie Albert, Mark Herras, Neil Ryan Sese at ng child actor na si Raphael Landicho, aba, ang ganda pala ng new afternoon series na ‘yon.

In fairness, may promise!

Magaling si Max, kaya tama lang na bigyan na siya ng GMA-7 ng series na siya talaga ang bida!

May mga nakapansin lang na sina Jason at Mark ay parehong naintriga na may video scandal, huh!

Ang bongga! Anyway, sa April 1 na ang pilot ng Bihag!

vuukle comment

BARON GEISLER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with