^

Police Metro

Cavite RTC stenographer sinibak sa pamemeke

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Makaraang mapatunayan na nanloko at nameke ng dokumento sa isang kaso ng annulment na idinulog ng isang kawani ng Philippine Coast Guard ay sinibak ng Supreme Court ang stenographer ng Cavite Regional Trial Court Branch 16 na si Cesar Calpo.

Batay sa 6 na pahinang desisyon ng SC, tinanggal din ang lahat ng benepisyo maliban sa mga accrued leaves ni Calpo dahil sa kasong grave misconduct at serious dishonesty. 

Nag-ugat ang kaso laban kay Campo matapos na lokohin ang isang miyembro ng PCG na si Zenmond Duque nang kanyang alukin ng P150,000  kapalit ng pagpapawalang bisa ng kasal ni Duque.

Nalaman na makalipas ang isang taon ay nagbigay ng desisyon si Calpo kay Duque na annuled na ang kanyang kasal at ang desisyon ay pirmado umano ni Executive Judge Perla V. Cabrera-Faller ng RTC Branch 90 ng Dasmariñas, Cavite.

Gayunman, nadiskubre ni Duque na wala naman palang nilalabas na desisyon ang hukom, at peke ang kanyang hawak niyang dokumento.

vuukle comment

PHILIPPINE COAST GUARD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with