Kasunod ito ng panawagan ni detaimed Sen. Leila de Lima kay Pangulong Rodrigo Duterte na tanggalin sa puwesto si Cam dahil sa umano’y pagkamal ng higit P500 milyon piso ng kwestiyonableng yaman matapos siyang italaga sa PCSO.
File
Cam ‘di sisibakin sa puwesto
Rudy Andal (Pang-masa) - March 26, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi umano sisibakin ng Malacañang sa puwesto si Philippine Charity Sweepstakes Office board member Sandra Cam kaugnay sa alegasyon ng korapsyon. 

Kasunod ito ng panawagan ni detaimed Sen. Leila de Lima kay Pangulong Rodrigo Duterte na tanggalin sa puwesto si Cam dahil sa umano’y pagkamal ng higit P500 milyon piso ng kwestiyonableng yaman matapos siyang italaga sa PCSO. 

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, iniimbestigahan na ng Office of the Ombudsman si Cam. 

Ayon kay Panelo hindi na mangingialam ang Malacañang at wala ring balak magsagawa ng sariling imbestigasyon laban kay Cam.

Matatandaang kamakailan lang ay nagsumite ng liham ang isang private complainant na si  Lino Espinosa Lim Jr. sa Ombudsman para imbestigahan si Cam dahil sa umano’y hindi idineklarang ari-arian sa kanyang Statement of Assets Liabilities and Net worth o SALN sa taong 2017 at 2018 tulad ng isa umanong beach resort,  dalawang lupa sa San Fernando, Masbate at limang lupa sa Matabao Island sa Batuan.

PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE SANDRA CAM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with