^

Police Metro

17 pa NDF consultants tinutugis

Joy Cantos - Pang-masa
17 pa NDF consultants tinutugis

MANILA, Philippines — Nakatakdang arestuhin ng mga otoridad ang nasa 17 pang mga consultants ng National Democratic Front (NDF) matapos tuldukan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang peace talks sa hanay ng CPP-NPA- NDF.

Sinabi ni Major General Rhoderick Parayno, Commander ng Army’s 2nd Infantry Division, nasa 23 NDF consultants ang nabigyan ng safe conduct pass ng pamahalaan na kung saan ay anim na ang magkakasunod na nasakote ng security forces  at nasa 17 pa ang patuloy nilang pinaghahanap.

Ayon kay Parayno, na wala nang bisa ang safe conduct pass ng mga nasabing NDF consultants matapos na tuldukan ni Pangulong Duterte ang ang peace talks sa hanay ng komunistang grupo.

“This will definitely have an impact on their leadership. After the termination of the peace talks, yung mga involved sa talks and even the consultants, I think there are 23 of them and 6 have been arrested. So this will defnitley put an end to the effort ni Joma Sison na ibalik sa national level yung peace talks”, ani Parayno na sinabing mas pabor ang mga ground commanders at miyembro ng  NPA sa local peace talks.

Kabilang sa mga hina­hanting na NDF Consultants ay ang mag-asawang Wilma at Benito Tiamzon.

Pinakahuli sa mga nasakote ay ang dating pari na naging top NPA terrorist at NDF consultant na si Frank Fernandez alyas Ka Ago ng  NPA Komiteng Rehiyon Negros  na nabitag sa raid sa safehouse ng mga ito sa Brgy. Calumpang sa pagitan ng hangganan ng mga bayan ng Liliw at Nagcarlan kasama ang dalawa pang opisyal ng NPA  na sina Cleofe Lagtapo 66, at Gee-Ann Perez 20.

Si Fernandez ay naka-confine sa Army Hospital sa Fort Bonifacio, Taguig City matapos itong dumaing ng paninikip ng dibdib nang masakote ng security forces.

vuukle comment

NATIONAL DEMOCRATIC FRONT

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with