Manila Water pinagbabayad sa DOH
Gemma Garcia (Pang-masa) - March 25, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dapat umanong bayaran ng Manila Water ang Department of Health (DOH) ng P4 milyon dahil sa pagkalugi ng mga pampublikong ospital dulot ng water crisis sa Metro Manila.

Sinabi ni Akbayan Rep.Tom Villarin , dapat ibalik ng Manila Water sa normal ang tubig sa Metro Manila at ibalik din ang malaking pera dulot ng kapalpakan nito.

Nauna nang ibinunyag ng DOH na anim na pampublikong ospital ang nalugi ng P4.116 milyon sa pagitan ng Marso 8-18 habang nasa kasagsagan ng water crisis.

Kabilang dito ang Rizal Medical Center, Quirino Memorial Medical Center, National Kidney and Transplant Institute (NKTI), National Center for Mental Health, East Avenue Medical Center, at ang Amang Rodriguez Memorial Medical Center.

Ang nasabing mga ospital umano ay nagdagdag na operational costs na nagkakahalaga ng P1.372 milyon habang ang Rizal Medical Center at ang NKTI ay nalugi ng P630,000 at P1.75 milyon sa revenues, dahil na rin sa naglimita sila ng mga pasynte dahil sa water shortage mula Marso 12-18.

Paliwanag pa ng kongresista, na nagbabala rin ang health experts  na ang kakulangan sa supply ng tubig ay maaaring magresulta sa pagtaas sa kaso ng dengue habang ang mga gumagamit naman ng maduming tubig ay lantad sa mga sakit tulad ng diarrhea, cholera at dysenteria.

MANILA WATER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with