Tubig sa Angat Dam lalo pang bababa
Gemma Garcia (Pang-masa) - March 25, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dahil sa pagpasok ng tag-init sa bansa ay lalo pa umanong bababa ang critical level ng tubig sa Angat Dam sa katapusan ng susunod na buwan.

Sa pagtaya ni Hydrologist Danny Flores ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Service Administration o PAGASA, aabutin ng halos katapusan ng Abril ang pagbababa sa critical level ng naturang dam.

Ang Angat Dam ay patuloy ang pagbaba ng lebel simula ng tag init at kahapon ay bumaba pa ito sa 195.91 meters mula sa normal high water level (NHWL) na 212.00 mters.

Ang nasabing dam ang nagsu-supply sa 96 porsiyento ng tubig sa Metro Manila.

Subalit, dahil sa epekto ng El Niño phenomenon, kaya inaasahan na kokonting lamang ulan na nagreresulta naman sa pagbaba ng lebel ng tubig sa mga dam.

Sa pinakahuling datos ng PAGASA kahapon ng alas 6:00 ng umaga, karamihan sa mga dam sa Luzon ay bumaba na ang NHWL kabilang dito ang Ipo-101.01 meters: NHWL 101 meter, La Mesa-68.60m: NHWL 80.15m, Ambuklao - 749.15m: NHWL 752m, Binga - 571.77 m: NHWL 575m, San Roque - 261.70 m: NHWL 280m, Pantabangan - 201.23m: NHWL 221m, Magat - 164.84m: NHWL 190m at Caliraya - 286.09 meters.

ANGAT DAM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with