Ang nasawi ay kinilalang si Jelmar Montesa Bulay, 19, ng Barangay Bubuan, Bayog, Zamboanga del Sur. Habang ginagamot ang kanyang mga kasamahan na sina Brinton Wasawas, 29, stay in machine operator at Alberto Singedas, 60, harvester operator na nagtamo ng mga sugat sa katawan at pagkahilo.
File
1 patay, 2 sugatan sa ammonia tank blast
Gemma Garcia (Pang-masa) - March 25, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang lalaki habang nasugatan ang dalawang iba pa matapos na sumabog ang isang tangke ng ammonia sa loob ng isang planta ng yelo kamakalawa ng gabi sa Brgy Tuburan, Pagadian City.

Ang nasawi ay kinilalang si  Jelmar Montesa Bulay, 19, ng Barangay Bubuan, Bayog, Zamboanga del Sur. Habang ginagamot ang kanyang mga kasamahan na sina  Brinton Wasawas, 29, stay in machine operator at Alberto Singedas, 60, harvester operator na  nagtamo ng mga sugat sa katawan at pagkahilo.

Sa imbestigasyon na dakong alas-6:00 ng gabi nang magkaroon ng ammonia leaked sa Ramona Fishing Corporation na matatagpuan sa Rizal Ave­nue, Tuburan District, Pagadian Zamboanga del Sur.

Kaagad naman uma­nong rumesponde sa naturang lugar ang mga mi­yembro ng Bureau of Fire Protection  (BFP) at PNP Bomb Squad matapos na mabatid ang nasabing insidente.

Inaalam ng pulisya at BFP kung ano ang pinagmulan ng nasabing ammonia leak at kung sino ang dapat managot sa nasabing insidente. Rhoderick Beñez

TANK BLAST
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with