Sinabi ni Comelec Spokesman James Ji­menez, ang pagiging No. 1 sa mga survey ay hindi sapat na basehan upang iluklok sa puwesto dahil ang surveys ay indikasyon lamang kung gaano kakilala at popular ang isang kandidato.
File
Hindi basehan para iboto ang nangunguna sa survey - Comelec
Doris Franche-Borja (Pang-masa) - March 25, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagbigay ng paalala ang Commission on Elections (Comelec) sa mga botante na hindi basehan para iboto ang mga nangu­nguna sa lumalabas na iba’t ibang survey.

Sinabi ni Comelec Spokesman James Ji­menez, ang pagiging No. 1 sa mga survey ay hindi sapat na basehan upang iluklok sa puwesto dahil ang surveys ay indikasyon lamang kung gaano kakilala at popular ang isang kandidato.

Hindi naman anya sinasabi sa resulta ng  survey ang karakter, kuwalipikasyon at kakayahan ng isang kandidato na pinagbabasehan  ng botante kung ano lang ang nakikita sa kandidato.

Paliwanag ni Jimenez,  sa isinagawang survey ng Pulse Asia at Social Weather Stations, nangu­nguna ang mga reelectionist, dating senador at mga kaalyado ng Duterte admi­nistration na  ilan dito ay aminadong hindi pa handang sumabak sa pulitika.

COMELEC
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with