^

Police Metro

Mag-asawa niratrat: Mister todas, misis sugatan

Jorge Hallare - Pang-masa

MANILA, Philippines — Patay ang isang 47-anyos na mister habang sugatan ang kanyang misis matapos ratratin ng tatlong ‘di pa natutukoy na suspek makaraang pasukin sa kanilang tahanan sa Brgy. Talisay sa Sorsogon City, Sorsogon, kamakalawa ng hatinggabi. Ang nasawing biktima na nagtamo ng mga punglo sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ay si Roy Agustin Roble habang sugatan ang kanyang asawa na si Donna, 41-anyos, pawang residente ng Divina St., Purok-6, na nasabing barangay. Sa ulat, dakong alas-12:00 ng hatinggabi, natutulog ang mag-asawa nang magising dahil sa mga katok na narinig sa pintuan ng kanilang bahay.

Sumilip ang mag-asawa kung sino ang kumakatok pero biglang sinipa ang pintuan ng tatlong gunman at agad pinagbabaril si Roy. Tinangkang umawat ng asawang si Donna pero pati siya ay tinamaan sa braso ng bala.

Matapos ang pamamaril ay agad na tumakas ang mga suspek.  Nakuha sa lugar ang mga basyo ng bala buhat sa kalibre .45 at kalibre 9mm na baril.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga pulis sa pagkaka­kilanlan ng gunmen at motibo sa pamamaril.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with