Ex-Maguindanao gov guilty sa graft
Gemma Garcia (Pang-masa) - March 23, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Labindalawang taong pagkakulong ang inilabas na hatol ng Sandiganbayan kay dating Maguindanao Gov. Datu Sajid Islam Ampatuan na napatunayang guilty sa graft, falsification at malver­sation of public funds.

Sa desisyon ng anti-graft division fourth division, guilty si Ampatuan ng 63 counts ng falsification of public documents at malversation of public funds dahil sa umanoy maanomalyang pagbili ng construction at lumber materials para sa pagpapasaayos ng iba’t ibang gusali ng paaralan mula 2008 hanggang 2009.

Nadiskubre ng pro­se­kusyon na walang akt­wal na delivery ng mga materyales mula sa Abo Lumberyard and Construction Supply kung saan sinasabing binili ang mga construction materials.

Kaya sinentensyahan ang dating gobernador ng 12 taong pagkakakulong dahil sa kasong graft, anim na buwan hanggang walong tao para sa bawat isang bilang ng falsification at reclusion perpetua dahil sa malversation case.

Pinagbabawalan na rin siyang pumasok sa anumang puwesto sa gobyerno at pinagbabayad ng multa na  P37.74 mil­yon para sa kasong malversation of public funds.

Pinayagan naman ng korte si Ampatuan na pansamantalang makalaya kung makakapagla­gak ng P1.58 milyon hanggang Lunes at kung iaapela ang desisyon.

GRAFT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with