PH SEA Games wala nang atrasan -- Cayetano
(Pang-masa) - March 23, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tinitiyak ni Philip-pine South East Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) Alan Peter Cayetano na puspusan ang preparasyon ng pamahalaan, mga atleta, sports community sa preparasyon ng 30th South East Asian games.

?Sa kabila ng pagbawas sa badyet at iba’t ibang pagsubok na kinakaharap ng Pilipinas ay nanatiling matatag at hindi patitinag sa pagnanais na ang pagdaraos nito sa bansa ay maging matagumpay.

Sinabi ni Cayetano na masigasig nilang ipagpapatuloy ang tungkulin at responsibilidad na ipinagkatiwala sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte noong nakaraang taon kahit na isang napakalaking factor ang limitadong badyet. ?

Inilahad din ni Caye­tano ang saligan para sa tagumpay ng SEA Games ay ang pagpapatayo ng New Clark City Sports Complex na gagamitin para sa 30th SEA Games ay kasalukuyan nang binubuo at matatapos sa Setyembre 2019. Ang mabilis na pagpapatayo ay nagpapatunay ng pa­ngako ng administras­yong Duterte na mas pagtibayin ang sports development ng bansa upang magkaroon ng mas marami pang world-class na mga atleta at makapag-host ng mga internatio-nal sporting event sa hinaharap. 

?Wala nang makapipi­gil sa Pilipinas sa pagho-host nito ng 30th SEA games kahit may ilang personalidad na nagta­tangkang isabotahe ang preparasyon ng bansa sa pagho-host ng patimpalak.

Sa pamamagitan ng representasyon kasama ang SEA Games Fede­ration Council, ang 30th SEA Games ay magkakaroon ng 56 sports at 523 events para sa Philippine hosting, ang pinakama-laki sa kasaysayan ng SEA Games. 

CAYETANO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with