Iprinisinta ng NBI sa media ang 18 Chinese nationals na inaresto sa illegal online gambling casino sa Angeles, Pampanga.
Ludy Bermudo
Illegal online casino sa pampanga nalansag
Ludy Bermudo (Pang-masa) - March 23, 2019 - 12:00am

18 Chinese nadakip...

MANILA, Philippines — Dinakip ng mga ahen­te ng National Bureau of Investigation (NBI) ang 18 Chinese nationals na nag-ooperate ng iligal na operasyon ng casino online sa Angeles City, Pampanga, noong Lunes.

Ipinagharap ng mga kasong paglabag sa Republic Act 8484 (Access Devices Regulation Act) at Presidential Decree 1602 (Illegal Gambling Law) na may kaugnayan sa inamyendahang batas na RA 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012), ang isang menor de edad na pawang opera­tor at staff ng Royal Genghis International Development Inc.

Nabatid na nakatanggap ng impormasyon    ang NBI hinggil sa ope­rasyon ng grupo kaya’t agad nagsagawa ng surveillance at verification.

Nang makumpirma ay kumuha agad ng search warrant sa Capas Tarlac Regional Trial Court Branch 66 at sinalakay ang ikatlong palapag ng Savers Mall Building sa McArthur Highway, Balibago, Angeles City.

Nasamsam ang mga computers,  laptops, rou-ters, skimming devices, at iba’t ibang credit cards na gamit sa online gambling na pawang peke.

ILLEGAL ONLINE CASINO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with