^

Police Metro

Aide ni ex-Mayor Junjun Binay, binaril

Lordeth Bonilla - Pang-masa

MANILA, Philippines — Malubhang nasuga-tan ang executive secre­tary ni dating Makati City Mayor Junjun Binay nang ito ay barilin ng isang lalaki na  nakamotorsiklo sa harapan ng bahay nito kamakalawa ng gabi sa Brgy. Olympia, Makati City.

Kasalukuyang nasa Makati Medical Center ang biktimang si Mona­liza “Monette” Bernardo, 44 na tinamaan ng bala ng kalibre 45 sa sikmura.

Batay sa ulat, dakong alas-8:50 ng gabi ay papasok pa lang sa kanyang bahay ang biktima mula sa campaign meeting nang sumulpot ang suspek na lulan ng motorsiklo na walang plaka at agad na pinagbabaril ang biktima.

Agad na tumakas ang hindi pa kilalang suspek na nakasuot ng helmet patungong South Avenue at lumiko pakaliwa  ng Barasoain St.

Inihayag kahapon ni dating Vice President Jejomar Binay na handa siyang magbigay ng P1 milyon reward sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon para sa ikadarakip ng gunman.

Si Binay ay tuma­takbong Representative ng  first district of Makati. Ang kanyang mga anak na sina Junjun at incumbent Mayor Abigail Binay, ay naglalaban sa pagka-alkalde ng lungsod, na kung saan 1986 pa namumuno ang pamilya.

vuukle comment

JUNJUN BINAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with