Kampo ng BIFF nakubkob ng militar
March 22, 2019 | 12:00am
MANILA, Philippines — Isang malaking kampo ng lokal na mga teroristang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa liblib na lugar ng Brgy. Magaslong, Datu Plang, Maguindanao ang nakubkob ng tropa ng militar, kamakalawa.
Dito ay natagpuan sa clearing operation ang mga foxholes, running trenches at sniper bunkers sa nasabing kampo na maaaring pagkutaan ng mahigit 20 katao.
Nakuha rin ang mga sangkap sa paggawa ng anti-personnel mines, rifle scope, mga bala, alambre,pako, medical supplies at mga dokumento.
BrandSpace Articles
<
>
Philstar
x
- Latest
Latest
Latest
Recommended