Misis, lover huli sa akto ng mister na seaman
Jorge Hallare (Pang-masa) - March 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi matanggap ng mister na seaman na totoo ang natatanggap nitong balita na siya ay pinagtataksilan ng kanyang ­misis kaya’t gumawa siya ng paraan para ipahuli ito sa akto at ang kanyang lover na nangyari kamakalawa ng hapon sa tinutuluyang bahay sa Caimito Street, Brgy. Dayangdang, Naga City, Camarines Sur.

Ang mga suspek ay kinilalang sina Rose Marez De Leon Reveche at Brian Jose Gonzales, 26, residente ng Brgy. Malubago, Sipocot.

Sa salaysay ng mister na itinago sa pangalang Tomas, 29, na kauuwi pa lang niya mula sa pagtatrabaho sa abroad nang makatanggap ang isang impormasyon tungkol sa pangangaliwa ng kanyang misis na isang receptionist sa Naga City.

Pinuntahan nito ang ibinigay na address nang tinutuluyan ng dalawa at dakong ala-1:00 ng hapon nang mahuli nito ang misis na nakasuot ng panty at si Gonzales na nakahubad pang itaas.

Agad umalis si Tomas at nagreklamo sa pulisya at ipinaaresto ang dalawa na nahaharap sa kasong adultery.

CRIME OF PASSION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with