2 lalaki itinumba sa piyesta
Joy Cantos (Pang-masa) - March 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dalawang lalaki ang pinagbabaril ng mga armadong kalalakihan na pinaniniwalaang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa isang piyesta sa Brgy. Dulangan, Pilar, Capiz kamakalawa. Kinilala ang mga nasawing biktima na sina  Fernando Piano, 29 at Joseph Bacanto, 24.

Sa ulat, bandang ala-1:30 ng tanghali ay kasaluku­yang naglalakad ang mga biktima para dumalo sa sa­yawan kaugnay ng piyesta sa kanilang lugar nang harangin ng mga armadong lalaki at nagkaroon nang mainitang pagtatalo.

Bumunot ng baril ang mga suspek at pinagbabaril ng ang mga biktima saka mabilis na nagsitakas. Nadala pa ang dalawa sa ospital, pero idineklarang dead on arrival.

NEW PEOPLE’S ARMY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with