^

Police Metro

Road crash: 6 todas

Joy Cantos - Philstar.com

Van vs truck...

MANILA, Philippines — Patay ang anim na katao habang sampu ang nasugatan matapos na magsalpukan ang isang pampasaherong van at kasalubong nitong forward truck kamakalawa ng hapon sa Purok 3, Brgy. New Sibonga, Nabunturan, Compostela Valley.

Dead on the spot sina Jackielyn Gubato at Anita Cantillas habang dead on arrival naman sa ospital sa Tagum City sina Sim Sholto Pitos, Edjohn Cantoria, at mag-asawang Fernando at Getrudes Catiil.

Patuloy namang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang mga nasugatan kabilang ang siyam na pasahero at driver ng van.

Ayon sa ulat, bago naganap ang aksidente bandang alas-4:45 ng hapon sa lugar ay biglang pumreno ang drayber ng Toyota Hi-Ace van na si Rogelio Gallenero sa pa­kurbadang kalsada sa Barangay New Sibonga pero dahil basa ang kalsada, nagpagewang-gewang ang van at bumangga sa kasalubong na Mitsubishi Canter truck.

Ayon sa van driver na si Gallenero, nadulas ang gulong ng kaniyang sasakyan at hindi niya nakontrol ang manibela.

Napag-alaman din sa imbestigasyon na kolorum ang van na gamit ni Gallenero.

Mahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide ang 2 drayber.

vuukle comment

ROAD ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with