^

Police Metro

4 todas sa drug bust

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Patay ang apat na pinaghihinalaang mga drug pushers makaraang mauwi sa shootout ang buy bust operation kahapon ng umaga sa Brgy. Sta Teresa, Manapla, Negros Occidental.

Isa sa apat na napatay ay kinilalang si Alson Aguirre na isang kilalang notoryus na drug pusher sa lugar habang patuloy pang inaalam ang mga pangalan ng tatlo nitong kasama.

Batay sa ulat, bago naganap ang shootout dakong alas-7:30 ng umaga sa nasabing lugar ay nagsagawa ng buy bust operation ang anti-drug operatives ng Manapla Police sa Hacienda Bariw, Brgy. Sta Teresita sa bayang ito. Subalit, nakatunog ang mga suspek na undercover agent ng pulisya ang ka-deal kaya agad bumunot ng armas at nagpaputok na sumablay.

Gumanti ng putok ang mga nakatagong operatiba at sa kasagsagan ng shootout ay isa-isang napatay ang mga suspek.

Narekober sa operasyon ang isang unit ng M16 rifle, isang unit ng KG 9, isang cal. 45 pistol at hindi pa madetermina ang dami ng shabu.

vuukle comment

ILLEGAL DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with