Japan may nakalaang 350K trabaho sa mga Pinoy
MANILA, Philippines — Nagbukas ang bansang Japan ng 350,000 trabaho para sa mga Pinoy worker sa susunod na buwan.
Sinabi ni Labor Secretary Silvestre H. Bello III na kabilang ang mga skilled Filipino workers sa mga nasyonal na pipiliin ng Japan para sa mahigit 100,000 bagong trabaho na bubuksan sa karatig-bansa sa Asya.
“Tinatayang 30 porsiyento ang maaaring ilaan sa ating manggagawa sa mga bakanteng trabahong iaalok sa mga banyagang nasyonal,” ani Bello.
Nakatakdang lagdaan ang memorandum of cooperation na magtatakda para sa pagdedeploy ng “specified skilled worker,” sa Martes sa Tokyo sa pagitan ng labor department at ng Ministry of Justice, Foreign Affairs, Health, Labor and Welfare at ng National Police Agency ng Japan.
Kabilang sa mga specified skills ay iyong nasa health care, building maintenance, food services, industrial machinery, electronics, food manufacturing, agriculture, hospitality, construction, shipbuilding, fisheries and aquaculture.
- Latest