^

Police Metro

Pamilya, 4 at 1 kapitbahay tiklo sa droga

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Apat na miyembro ng isang pamilya at isa nilang kapitbahay ang naaresto sa isinagawang drug buy bust operation kahapon sa Quezon City.

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Luzviminda Vinluan, alyas ‘Minda,’ 49; Rolan Vinluan, 48; Timoteo Vinluan, 42;  Sandro Vinluan, 43; Maria Luning-ning Vinluan, 29, at kapitbahay na si Mark Anthony Angeles, 39, pawang residente ng Brgy. Old Balara, QC.

Sa ulat, dakong ala-1:00 ng madaling araw nang maaresto ang mga suspek sa No. 175 Area 2, Luzon Ave., Brgy. Old Balara.

Nabatid na si Luzviminda lamang sana ang pakay ng mga otoridad sa ikinasang buy-bust, subalit naabutan ang pamilya nito sa aktong nagsa-shabu session sa loob ng kanilang tahanan. Nakatanggap ang mga otoridad na talamak ang pagbebenta ng shabu ng pamilyang Vinluan sa mga adik nilang kapitbahay at isinagawa ang surveillance saka ikinasa ang buy bust operation. Nakumpiska sa mga suspek ang anim na sachets ng shabu, drug paraphernalias.

vuukle comment

ILLEGAL NA DROGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with