Guidance counselor arestado sa pangmomolestiya
Raymund Catindig (Pang-masa) - March 17, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Swak sa selda ang isang dating guro na gui­dance counselor ng isang pribadong paaralan dahil sa umano’y pangmomolestiya nito sa kanyang mga dalagitang estudyante matapos isilbi ng pulisya ang warrant of arrest laban dito sa Brgy. Balug, Tumauini, Isabela kamakalawa.

 

Ayon sa ulat ng Tumauini Police nabigong maglagak ng kabuuang P800,000 piyansa si Geronimo Baccay na inirekomenda ni Cabagan RTC Judge Jesus Felie Torio II sa apat na kaso ng Child Abuse (RA 7610) na nangyari noong nakaraang taon.

Nabatid na apat lamang sa mga dalagitang estudyante ang naglakas ng loob na magreklamo laban kay Baccay na pinatalsik sa paaralan kasunod ng isinampang kasong admi­nistratibo ng mga magulang.

Ayon sa mga biktma na edad 13 at Grade 7 students; salitan silang pinapatawag ni Baccay sa kanyang opisina upang siyasatin ang lagay ng kanilang kalusugan sa pamamagitan ng panghihipo sa maseselang bahaging kanilang katawan.

SEXUAL ABUSE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with