Joy Belmonte top choice sa pagka-mayor ng Quezon City
Angie dela Cruz (Pang-masa) - March 16, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Si QC Vice Mayor Joy Belmonte ang pinili ng karamihan para maging susunod na mayor ng lungsod batay sa lumabas na survey.

 

Nakakuha si Belmonte ng 72 percent na boto laban sa katungggali nitong si QC 1st District Rep. Vincent Crisologo na nakakuha lang ng 18 percent.

Batay sa pinakahuling survey na ginawa ng  RP Mission and Development Foundation Inc. (RPMD Inc.) si Belmonte ang top choice ng mga taga-QC na maging susunod na alkalde ng lungsod.

Ang survey ay naisagawa noong February 1 hanggang 10 mula sa 2,500 respondents na tinanong kung sino ang nais na mamumo sa lungsod.

Sa mga natanong, nagsabi na mas gusto nila ang mas batang lingkod bayan na may sapat na kakayahan at ga­ling sa pamamahala sa lokalidad na tulad ni Belmonte.

“I’m very thankful to God and to our constituents for this positive response. We have a long way to go, but I am confident that my call for better governance and inclusive development will be heard loud and clear,” pahayag ni Belmonte.

Para sa vice mayor’s position, nakakuha si  Councilor Gian Sotto ng 42 percent na ungos kay Jopet Sison na nakakuha ng 15 percent at Roderick Paulate 13 percent.

JOY BELMONTE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with