Digong walang pake kung mamatay ang mga pari
Rudy Andal (Pang-masa) - March 16, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Maluwag pa umano ang mga sementeryo at walang pakialam si Pa­ngulong Rodrigo Duterte kung mamatay ang mga kritiko nitong pari sa bansa.

 

Ito ang inihayag ni Pangulong Duterte, kamakalawa ng gabi sa Davao City matapos siyang nanawagan sa publiko na huwag gagalawin ang mga pari at obispo makaraang tatlong pari ang lumantad dahil sa death threat.

“They tried to picture me na ‘pag namatay sila...I should be blamed because of my outburst. The hell. Wala akong pakialam kung mamatay kayo ngayon lahat. Maluwang pa ang ating ce­metery,” wika ni Duterte sa ginanap na National Peace and Order Council meeting sa Davao City kamakalawa ng gabi.

“Stop scaring people about your holiness. Do not scare me about you dying and getting me blamed,” dagdag pa ng Pangulo.

Inakusahan pa ni Duterte na may ilang pari na sangkot sa sexual abuse at illegal drugs.

Una nang sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na hindi tamang ibintang sa Pa­ngulo ang natanggap na death threat ng tatlong pari at hinamon ang mga pari na ang Pangulo ang nasa likod ng death threat.

RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with